Letter of Erap to son JV

Read : 15466 times
(7 votes, average 3.86 out of 5)

Dear JV:

Kamusta na sa Amerika, anak? Mabagal ko'ng isinulat ang liham na ito

dahil alam kong mabagal ka ring magbasa. Anak, gusto ko lamang

iparating na hindi na kami sa Malacanang nakatira ngayon. Nabasa kasi

ng mommy mo (si Loi), na kadalasan na ang mga aksidente ay nangyayari

sa bahay kaya't napagpasiyahan ko na lumipat na ng tirahan. Pero

huwag kang mag-alala. Dinala ko naman ang karatula ng ating lumang

address kaya maari mo pa rin akong sulatan sa dati nating address.

Mahirap na kasi ang pabago-bago. Alam mo naman na napakarami ko ng

kinakabisado.

Maganda naman ang tirahan namin ngayon. Mayroon pa ngang built-in na

washing machine. subali't ng labhan ko yung damit ko, hindi na bumalik.

kaya't huwag kang bibili ng Saniware washing machine, anak. malakas pa

naman sana ang ikot ... Maganda rin ang lagay ng panahon dito. dalawang

beses lamang umulan last week. Yung una, mula lunes hanggang miyerkules,

yung pangalawa, mula huwebes hanggang linggo.

Tungkol nga pala sa coat na gusto mong ipadala namin... masyado raw

mabigat sabi ni Orly kung isasama yung mga butones. kaya pasensiya ka

na kung tinanggal namin bago namin ipadala. Nilagay naman namin sa

bulsa para hindi mawala.

Ay naku! Alam mo bang basang-basa kami nung martes(nung unang umulan

last week)? Naiwan kasi nitong si Senator Tito yung susi ng BMW niya

sa loob.E nakabukas pa naman ang sunroof ! Basang-basa tuloy ang

interior! mabuti na lamang at gumanap na carnapper itong si Jinggoy

nung araw kaya nabuksan niya ang kotse mula sa labas. Ang kaso mo, ng

pumasok kami ni Jinggoy,naiwan si senator tito sa labas at hindi na

naman niya mabuksan ang kotse! WALA na NAMAN sa kanya ang susi. &^&@%*

mga artistang politiko talaga yan! Hindi gumagamit ng IQ... muntik na

kaming malunod nuon ah!

Naalala ko tuloy yung pinsan kong nahulog sa tangke ng whiskey! Marami

sana ang gustong sumagip pero pinilit pa ring niyang uminom at libre!

Ayun,nalunod at pina-cremate ---- anim na araw rin ang binilang bago

natapos ang apoy... kaya pag namatay ako, hindi ako paki-cremate...

masakit.

Siyanga pala, nanganak na si jackie kahapon.. Hindi ko pa alam kung

lalaki o babae kaya hindi ko masabi kong ikaw ay isa ng Uncle o Auntie.

Naku! napakalikot na bata... eager beaver ika nga! Anak, hanggang dito

na lamang muna ang aking liham... Marami pang pagbabago ang kailangan

gawin sa Pilipinas. Ayun sa survey, 95% pa lang ng mga Filipino ang

naging madasalin mula ng ako'y naging presidente! Kailangan 120%!!!

Siyempre kailangan kasama ang mga OCW sa abroad, no?

Love,

PAPA ERAP

P.S. Papadalahan sana kita ng pera pero nakasarado na ang sobre...