CITY EXECUTIVE

Read : 20389 times
(10 votes, average 3.90 out of 5)

Isang Successful Male Executive sa Makati ang stress na

stress sa pamumuhay sa lunsod. Sa trapiko at sa trabajo

kaya nagpasya ang Executive na tumira sa malayo sa kabihasnan total mayroon naman siyang konting naitatabi

at nagiisa lang naman siya.

Nakabili siya ng sakahan sa paanan ng Sierra Madre Mountains at doon nagsaka siya at namuhay na mag-isa na malayo sa kabihasnan. Makaraan ang anim na buwan na walang TV, Telepono, Internet, Sine, Disco at Beer Gardens napag-isip-isip niya na ang buhay sa lunsod ay hindi naman pala gaanong stressful.

Nagdadalawang isip siyang bumalik sa lunsod ng may kumatok sa pinto. Nang buksan niya ang pinto ay bumulaga sa kanya ang isang lalaking malaki at matipuno ang pangangatawan.

"Magandang araw po, ako po ang kapitbahay ninyo na nakatira sa paanan ng ikat'long bundok mula rito, kaya po ako nasadya ay gusto ko kayong kumbidahin sa 'Party' sa bahay sa Sabado ng gabi."

"Aba, magandang idea iyan, anim na buwan na nga akong hindi nakakapunta sa Party. Asahan mo ang pagdalo ko."

Paalis ang lalaki ng: "nais ko pong malaman ninyo na mayroon pong inuman"

"Okey lang, anim na buwan na nga akong hindi nakakainom eh, asahan mong dadalo ako."

Paalis na muli ang lalaki ng: "nais ko rin pong malaman ninyo na maaari rin pong magkaroon ng awayan na nauuwi sa pag-bu-bunuan."

"Okey rin, normal lang sa Party ang medyo magulo at anim na buwan na rin akong hindi napapaaway, sanay akong makipagbuno, huwag mo iyong alalahanin at siguradong dadalo ako sa Party."

Bago tuluyang umalis: "nais ko rin pong malaman ninyo ng mayroon pong 'wild sex' sa Party."

"Lalong okey na okey, anim na buwan na akong walang sex. Ano nga pala ang dapat kong isuot, Formal?, Casual?, Rugged ? . . . . . ."

"Kahit na ano puwede, total TAYONG DALAWA LANG NAMAN ANG

MAG-PA-PARTY"