Buking na Buking

Read : 4205 times
(12 votes, average 3.75 out of 5)

Si Father Jack at Father Jake ay nagbakasyon sa Phuket at naisip nila na para talagang masaya ang bakasyon nila hindi magpapahalata na mga pari sila.

PAgdating nila sa Phuket ay bumili sila kaagad ng mga makukulay na damit shorts sunglasses at accessories para mag mukha silang kakaiba.
Kinaumagahan, nandun sila sa beach front, nakaupo at nag eenjoy sa tanawin habang nag iinum ng mga cocktails nang biglang lumapit sa kanila ang isang mega hot babe in a tight bikini. "helller, Father! Heller, Father! " bumati ang chick sa kanila.
Na shock ang dalawa… paano niya alam na mga pari sila? Bumalik sila sa isa pang tindahan at bumili pa sila ng mas bonggacious na kasuotang turista.
Sumunod na araw ay pumuwesto sila sa ibang bahagi ng beach at nag enjoy ulit sa tanawin. Bumalik nanaman ang bodylicious na hotbabe! "Good morning, Father Jack! Good morning Father Jake!" ang bati pa ng bikini babe. Tumyo agad ang mga mas lalung nagulat na dalawang pari. "Miss, bakit alam ninyo na mga pari kami? " tanung ni Father Jack, "at pati mga pangalan namin? " sabay kamut ng ulo ni Father Jake.
Sagot ng chick: "Hellooowww! Di nyo ba ako kilala? It’s me Sister Angela!
pagtyagaan nyo nalang yan pre