Saan Nanggaling

Read : 3436 times
(22 votes, average 3.77 out of 5)

Anak : Nay saan po ba tayo nanggaling?

Nanay: Aba kina Adan at Eba syempre anak!

Anak : Ganon po ba Nay?

Nanay : Oo naman anak!

Dumating ang tatay at hindi pa rin kontento ang bata at tinanong nya ito.

Anak : Tay! san po ba tayo nanggaling?

Tatay : Aba syempre sa mga unggoy anak! sila ang unang nilalang dito sa lupa at saka naging tao!

Anak : Ganon po ba Tay?

Tatay : Oo naman anak!

Bumalik ang bata sa kanyang nanay na parang nalilito..

Anak : Nay, san po ba talaga tayo nanggaling?

Nanay : Diba sinagot ko na yan kanina pa anak?

Anak : Bakit ang sabi po ng tatay galing daw po tayo sa mga unggoy?

Nanay : Ah ganon ba? O ayan, alam mo na kung saan galing ang side ng tatay mo!!!

Anak : Nyahahahaha....